Viloria, magbabalik sa ring sa Enero 4

Magbabalik sa ring si dating WBC light flyweight champion Brian “Hawaiian Punch” Viloria sa kanyang pakikipaglaban kay Jose Garcia Bernal sa Los Angeles sa Enero 4.

Hindi inaasahang magiging banta si Bernal sa dating world champion, na nakuha ang titulo sa pamamagitan ng first round pananalakay kay Eric Ortiz noong Setyembre 10, 2005, dahil 37 anyos na ito at natalo sa tatlo sa huling apat na laban niya.

Si Bernal ay may record na 27-9-1 na may 18 knockouts ngunit lima sa kanyang kabiguan ay pawang knockout din. Sa kanyang huling laban, nalasap ni Bernal ang ika-12th round KO kay Juan Mecedes sa bakbakan para sa WBO Latino superflyweight title.

Ang tanging panalo niya sa huling apat na laban ay kontra kay Jose Luis Bolanos na kanyang pinabagsak sa ikalawang round ng nakatakdang 6 round bout. Ngunit si Bolanos, ayon sa boxrec.com ay wala pang panalo at may 21 kabiguan na 16 nito ay knockouts.

Si Viloria na sampung taon ang kabataan kay Bernal sa edad na 27 anyos ay may record na 19-2 na may 12 knockouts at galing sa 12 round majority decision loss kay Edgar Sosa sa labanan para sa bakanteng WBC title na napagwagian ni Omar Nino mula kay Viloria, ngunit natanggalan ng korona dahil sa positibong paggamit ng droga matapos ang kanilang rematch noong Nobyembre 18, 2006.

Nakatakdang harapin ni Nino si  OPBF champion Juanito Rubillar sa susunod na taon sa world title eliminator na may planong gawin ang laban dito sa Pilipinas.

Show comments