^

PSN Palaro

Marquez nagsimula na ng kanyang paghahanda

-

Habang patuloy ang bakasyon ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao, sinimulan naman ni Mexican world boxing champion Juan Manuel Marquez ang kanyang preparasyon para sa kanilang rematch sa 2008.

Kasalukuyang tumatakbo ang World Boxing Council (WBC) super featherweight titlist na si Marquez ng halos 13 kilometro bawat araw at patuloy ang pagbababad sa kanyang boxing center sa Ro-manza Gym sa Mexico City. 

“This is such a crucial fight for me, my family, the Mexican people and all my fans everywhere,” wika ng 34-anyos na si Marquez.

Nakatakdang ide-pensa ni Marquez ang kanyang WBC super featherweight crown laban sa 29-anyos na si Pacquiao sa Marso 15 ng 2008 sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada.

Isang draw ang itinakas ni Marquez sa kanilang unang pagta-tagpo ni Pacquiao, ang kasalukuyang WBC International super featherweight king, noong Mayo 8 ng 2004 sa kabila ng tatlong beses na pag-bagsak sa first round.

Ayon kay Marquez, ang kanyang rematch kay Pacquiao ang isa sa magiging pinakamaha-lagang laban niya mata-pos agawin kay Marco Antonio Barrera ang WBC title noong Marso 17 at maipagtanggol ito kontra kay American challenger Rocky Juarez noong Nobyembre.

“This is going to be one of the most important fight of my life,” wika ni Marquez. “On a scale of one to 10, the rematch with Manny is a 10-plus.”

Ilang southpaw fighters na katulad ni Pac-quiao, muling tinalo si Barrera sa kanilang re-match noong Oktubre 6, ang inihanay na ni manager Ignacio “Nacho” Beristain bilang mga sparring ni Marquez. 

Isa na rito si dating world champion Freddie Norwood na tumalo kay Marquez noong 1999 para sa World Boxing Association (WBA) featherweight belt. (Russell Cadayona)

FREDDIE NORWOOD

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MANDALAY BAY RESORT

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with