^

PSN Palaro

RP lumaban hanggang sa huli

-

NAKHON Ratchasima -- Hanggang sa kahuli-hulihang sandali sinikap  ng Team Philippines na madagdagan ang gintong medalya ng bansa upang mai-angat man lang sana ang overall posisyon nito sa pagtatapos ng 24th Southeast Asian Games.

Gayunpaman, hindi pa rin sapat ang lahat ng pagsisikap nang tanging ang tambalang Rexel Fabrigas at Jaime Asok lamang ang nakalusot makaraang sungkitin ang gintong medalya sa men’s synchronized 10m platform event ng diving competition na ginanap sa His Majesty The King’s 80th Birthday Anniversary Aquatic Center.

Hindi naman pinalad ang tambalang Cecil Mamiit at Eric Taino sa men’s doubles gold nang payukurin sila ng top seed at No. 1 doubles player ng kambal na Sanchai at Sonchai Ratiwatana, 6-2, 6-4.

Hindi naman naisalba ng tambalang Parley Tupaz at Rhovyl Verayo ang kahit na silver sa men’s beach volleyball tournament nang yumukod ang mga Pinoy sa tandem nina Som Chomnap at Kong Sopheap ng Cambodia, 2-1.

Pagkaraan ng ilang oras na pahinga nagbalik si Mamiit sa centre kasama naman si Denise Dy para sa mixed doubles finals ngunit hindi rin pinalad makaraang yumuko sa matinding tambalan nina Sanchai Ratiwatana at Napaporn Tongsalee, 2-0.

Nakuha naman nina Taino at Diane Matias ang bronze medal sa mixed doubles event.

Sa kabuan, ang Pilipinas, na kulang sa unang target nilang 100 golds, ay nagsubi lamang 41 at tuluyang okupahan ang ika-anim na puwesto na siyang pinakamasamang standing ng bansa sa biennial games na ito.

Ang 41 gold medalist ay  tatanggap ng insentibong P100,000 habang ang 90 silver medalists naman ay P75,000 at ang 95 bronze medalists ay P50,000.

Sa pagtatapos ng palaro, wala ng kawala ang overall champion sa kamay ng Thailand sa kanilang napakaraming 182 golds bukod pa sa 124 silvers at 103 bronze.

At sa biglang pagbabago ng ihip ng hangin, naungusan ng Malaysia ang Vietnam sa ikalawang puwesto sa kanilang 68-52-96 habang ang Vietnam, na overall champion noong 2003 edition na sila ang host ay may 64-58-82.

Nasa ikaapat ang Indonesia, 55-63-83 at 5th ang Singapore, 43-42-41.

Sa kabuuan ang swimming, na binanderahan ng most bemedalled athlete na si Molina ang pinakaproduktibo sa kanilang naiambag na 8 golds may 2 golds ang archery, 5 ang athletics, 1 basketball, billiards and snooker 3, boxing 1, cycling 4, dancesports 2, diving 2, fencing 3, judo 1, rowing 2, softball 2, taekwondo 1, tennis 1, triathlon 1 at wushu 2. (DMV)

CECIL MAMIIT

COUNTRY

DENISE DY

DIANE MATIAS

PLACE

REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with