^

PSN Palaro

Phone Pals nalo kahit nalagasan ng 3

-

Ipinakita ng Talk ‘N Text ang kanilang karakter sa gitna ng pagkawala sa laro nina MacMac Cardona, Harvey Carey sa third period at ni Jay Washington sa fourth quarter nang magsanib ng puwersa sina Yancy De Ocampo, Don Allado, RenRen Ritualo, Jr. at Jimmy Alapag sa huling anim na minuto upang ibigay sa Phone Pals ang 99-96 panalo kontra Welcoat Dragons sa PBA Philippine Cup kahapon sa Cuneta Astrodome.

“I’m proud of the guys for showing their character. They hung in there and they showed their determination to notch our second straight win,” ani coach Derek Pumaren sa Talk ‘N Text, may 7-6 baraha ngayon katabla ang Magnolia sa ilalim ng Purefoods (10-3), Red Bull (8-4) at Alaska (8-5) kasunod ang Sta. Lucia (6-6), Air21 (5-7), nagdedepensang Ginebra (5-8), Coca-Cola (4-8) at Welcoat (3-10).

Nasipa sa laro sina Cardona at Carey nang bigyan ng flagrant foul si Jojo Tangkay sa huling 2:21 ng third quarter kung saan angat ang Phone Pals sa Dragons, 66-56, habang nakuha ni Washington ang kanyang ikaanim at huling foul sa 5:04 ng final canto.

Magkikita ang Giants at ang Express ngayong alas-4:30 ng hapon sa West Negros College Gym sa Bacolod City. (RC)

BACOLOD CITY

CUNETA ASTRODOME

DEREK PUMAREN

DON ALLADO

HARVEY CAREY

JAY WASHINGTON

JIMMY ALAPAG

N TEXT

PHONE PALS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with