^

PSN Palaro

Double victory sa baseball

-

NAKHON RATCHA-SIMA — Wala nang duda ang panalo ng kampeo-nato ng Blu Girls at Blu Boys matapos walisin ang kanilang asignatura sa elimination ng softball competition sa Southeast Asian Games dito. Pero ang isang mala-king kasiyahan ay ang pag-papanatili nila ng korona sa isang impresibong pama-maraan.

Umiskor ng 5th regulated win ang Blu Girls, laban sa Singapore 7-0 upang kumpletuhin ang kanilang pagwawalis sa four-team tournament.

Ang tagumpay na ito ay nagmarka din ng kauna-unahang pagkakataong napagwagian ng Blu Girls ang lahat ng kanilang li-mang laban sa regulation. Bago ang kanilang laban  kontra sa Singapore, ang pinakamahaba nilang pa-nalo ay laban sa Indonesia, 13-2 sa pagtatapos ng elims kung saan nangaila-ngan sila ng five-run atake sa ikaanim na inning upang tapusin ang laban.

“As a first timer coach, I’m very happy with what we achieved. First time  daw ito nangyari sa SEA Games, so I’m very proud,” ani coach Ana Santiago.

At hindi rin nagpahuli ang Blu Boys nang payu-kurin nila ang Indonesia, 11-2 sa 4 innings para sa do-minating performance ng bansa.

Sa mismong harapan ng kanilang sponsor na si Jean Lhuillier ng Cebuana rumagasa ng three runs sa simula ng inning ang Blu Boys para agad makontrol ang momentum.  (DMV)

ANA SANTIAGO

BLU BOYS

BLU GIRLS

COUNTRY

JEAN LHUILLIER

PLACE

REGION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with