13 RP boxers lalaban sa gold
NAKHON RATCHASIMA -- Anim na babae at 7 na lalaking boksingero ang nakalusot at lalaban para sa gold medal. Ngunit tila suntok sa buwan ang kanilang pangarap dahil pawang mula sa host Thailand ang kanilang makakalaban sa itinakda RP-Thailand duel sa boxing event ng 24th Southeast Asian Games sa Tumbon Meaungpug gymnasium dito.
Kahapon, muli tayong pinasadahan ng
Gayunpaman, natabunan ang kabiguang ito nang umusad sa finals sina Junel Cantancio, Joegin Ladon at Maximo Tabangcora na nagtala ng impresibong panalo kontra sa kanilang mga karibal.
Tinalo ng 21 anyos na bantamweight na si Cantancio si Tran Quoc Viet ng
Unang aakyat sa ring si lightflyweight Alice Kate Aparri kontra sa Thai na si Satumrum Sopida ngayon. Agad na susundan ito ni flyweight Annie Albania laban naman kay Thai Kadeewong Hansa.
Susubukan ni junior bantamweight Annalisa Cruz ang tikas ni Thawinsuwanawang Usanakorn sa 52 kg. class at raratsada din si Jouviliet Chilem kontra naman kay Thongjan Tassmalee sa bantamweight category.
Ang huling dalawang mapapasabak ay sina Sofla Ronijen laban kay Laopeaam Peamwilaj sa featherweight division at Mitchel Martinez kontra kay Ngoksungnoen Sumittra sa lightweight class.
Sa Huwebes, Disyembre 13, bagamat mahirap, pipilitin ng mga Pinoy boxers na masilat ang hangarin ng
Pitong Pinoy ang sasabak sa aksiyon Godfrey Castro, Cantancio, Ladon, Larry Semillano, Junie Tizon at Tabangcora. (Dina Villena)
- Latest
- Trending




















