Ibalik sa Pinas ang glorya sa basketball ang misyon ng RP men at women’s team
Matapos ang dalawang taong pagkawala sa eksena, nangako ang Philippine men at women’s basketball teams na gagawin nila ang lahat sa kanilang kampanya sa 24th Southeast Asian Games upang ibalik ang glorya sa bansa.
Gintong medalya: ito ang sigaw ng mga basketball players ng bansa sa send off luncheon na ibinigay ng Philippine Basketball League (PBL), isang araw bago tumulak ang national teams sa
Mula sa mga big guns ng Philippine basketball hanggang sa mga top official ng Philippine Olympic Committee (POC), naligo ng suporta ang mga Filipino cagers na inaasahang mag-aahon sa bansa na nawala sa international basketball scene dahil sa dalawang taong FIBA (Federation Internationale de Basketball) suspension.
Suportado ni Mikee Romero, Harbour Centre owner, ang men’s team na imamando ni coach Junel Baculi. “On behalf of the men and women’s teams, hindi tayo mapapahiya. The 90 million Filipinos can expect that we will bring home the gold medal,” ani Romero.
Dumalo rin sa send-off sina POC president Jose ‘Peping’ Cojuangco, PBL commissioner Chino Trinidad, chairman Cecilio Pedro, Philippine Basketball Association OIC Sonny Barrios, Toyota Balintawak Board member Gil Angeles, San Mig Coffee counterpart Chi-to Loyzaga at iba pang basketball officials.
“May faith in all of you hadn’t wavered from the very start. I know both teams are very capable of winning the basketball golds for the country,” ani Tri-nidad.
- Latest
- Trending