Pinay bumaril ng silver
BANGKOK Isang ba=guhan ang pumawi sa tatlong araw na pagka-uhaw ng bansa sa medalya sa 24th Southeast Asian Games shooting competition, nang humatak ng mini-Cinderella showing sa pagsungkit ng silver medal sa skeet event.
Hawak ni Jacqueline de Guzman ang kanyang pagkakataon sa penultimate day ng aksiyon sa shooting nang bumaril ito ng 84 birds sa likuran ng Thai ace at gold medalist na si Jiewchaloemmit Sutiya.
May magandang kapalaran din ang naghihintay sa Pinoy shooters sa pagsasara ngayon ng SEAG shootfest sa magandang posisyong tinapos nina Paul Brian Rosario, Patricio Bernardo at Gabby Tong sa skeet event finals ngayon.
Ang tatlo ay umsikor ng tig-69 sa unang 75 targets para makasosyo sa liderato ng team competition kasama ang host team. Ang tatlo ay may isang ibon lamang na pagitan kina co-leaders Hatchaichukiat Jiranunt at Varadhampinich Krisada ng Thailand sa individual play.
“We’re in good shape. We’re okay and we like our chances. The morale of the boys are high,” wika ni team manager Pol Rosario.
Nagbigay ng tip si De Guzman sa RP men sa kanyang naitalang come-from-behind sa ladies individual skeet.
Ang magandang 26 anyos na si De Guzman, na may isang taon pa lamang sa nabanggit na sports, ay nagrally mula sa ikaapat na puwesto sa first round sa kanyang tig 23 sa sumunod na dalawang rounds at 20 sa final.
Natalo si De Guzman na ang asawang si Mike ay shooter din, ng 12 kay Jiewchaloemmitang Thai ace na matagal ng kuwalipikado sa Beijing Olympics.
- Latest
- Trending