^

PSN Palaro

Shoe Makers dapa sa Dolphins

-

Sa isang no-bearing game, pinadapa ng Cebu Dolphins ang Marikina Shoe Makers, 16-8 para makamit ang kar­tang 7-3 panalo-talo sa pagtata­pos ng elimination round kahapon sa Baseball Phi­lippines Series II sa Rizal Memorial baseball park.

Ang Dolphins na lu­maro na wala ang mga RP team members dahil sa naglalaro sa abroad ay hindi gaanong dinibdib ang game dahil nga sila ay pasok na sa finals ng South Division, ay naghi­hin­tay na lang kung sino ang mananalo sa Duma­guete Unibike at ang Forward Taguig na kasaluku­yan pang naglalaro.

Sa kabilang dako, ga­ya ng Dolphins, ang Shoe Makers ay nag-ii­ngat din sa kanilang laro sa da­hilan sila na ang num­ber 2 sa North Division na may advantage na twice-to-beat kontra sa puma­ngat­­long Makati Ma­riners sa North Division na ang ma­nanalo sa dala­wang na­banggit na team ay   makakaha­rap ang Manila Sharks sa finals ng Division.

Ang torneo ay sponsor ng Philippine Sports Commission, Purefoods TJ Hotdogs, Gatorade, Mizuno Sports, Harbour Centre, Inc., Industrial Enterprises Inc., Philippine Transmarine Carrier, Fort Bonifacio Development Corp., Forward Taguig, Phi­lippine Olympic Committee, Gerry Davis Sports at Go Nuts Donuts ay pinatatakbo ng Community Sports Inc., sa pa­mumuno nina Leslie Sun­tay at Chito Loyzaga.

Samantala, si Larry Ic­ban ay bumanat  ng isang RBI (runs batted in) single sa huling inning upang ihatid si Nick Natividad sa homeplate at iligtas sa pagkatalo ang Manila Sharks kontra sa Makati Ma­ri­ners.

Sa extra inning na­man, si Baccus Ledesma ay tumirada ng isang 2-run scoring single upang pa-iskorin si Richard Labargan at Joey Guer­rero at ipanalo ang Sharks sa iskor na 7-5 at tapusin ang elimination round na may 8-2 karta.

 Ayon sa format, ang No. 2 team ng dalawang division ay makakaharap ang number 3 sa kani-kanilang division na may bentaheng twice-to-beat, at ang mananalo sa na­sabing labanan ay ma­kakaharap naman ang number 1 team na may bentahe ding twice-to-beat.(ADela Cruz)

vuukle comment

ANG DOLPHINS

BACCUS LEDESMA

BASEBALL PHI

CEBU DOLPHINS

FORWARD TAGUIG

MAKATI MA

MANILA SHARKS

NORTH DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with