Dragons umamo sa Express

Naglista ng mahinang 19-of-32 shooting sa freethrow line ang Welcoat Paints na siyang naging dahilan ng kanilang pagyukod sa Air 21.

 Bumawi ang Express buhat sa isang 16-point deficit sa first half upang talunin ang Dragons, 88-80, tampok ang career-high 29 puntos at 16 rebounds ni Arwind Santos sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

 Sampung freethrows ang iminintis ng Welcoat, nagposte ng 23-7 lamang sa 55 segundo ng first period at 37-21 sa 5:33 ng second quarter, sa first half kung saan nila iniwanan ang Air 21 sa 43-37.

 Huling nalasap ng Dragons ang lamang sa 80-77 galing sa dalawang sunod na three-point shot nina Ryan Arana at Jireh Ibanes sa huling 4:17 ng final canto hanggang pakawalan ng Express ang isang 8-0 bomba para sa kanilang 85-80 bentahe, 26 segundo rito. (Russell Cadayona).

Show comments