Manila Sharks pasok na sa semis
Pormal ng nakapasok sa finals ng North Division ng Baseball Philippines ang Manila Sharks nang padapain nila ang Forward Taguig, 8-3, kahapon sa Rizal Memorial Ballpark.
Ngunit hindi madali ang kanilang tagumpay dahil sa kinailangan pang umabot sa 4th extra inning (13th) bago nila naiselyo ang tagumpay.
Limang malaking runs ang binomba ng Sharks sa 13th inning bago nila talunin ang Forward Taguig sa ganoon din laki ng kalamangan.
Ang dalawang team ay unang natapos sa 2 all matapos ang ikalawang extra inning (11th) nang mahinto ang laro sa dahilan na dumilim na nuong nakaraan Linggo.
Sinimulan ng Sharks ang laro sa 12 inning, at agad nakauna ng run sa pamamagitan ng throwing error ni Taguig pitcher Michael Rey Solis sa first base na nagbigay ng daan para umiskor ng run si Mike Natividad.
Ngunit sa bottom half ng nasabing inning, agad namang nakatabla ang Taguig ng mabawi ni Solis ang kanyang error makaraang humataw ng isang RBI (run batted in) single para maitabla ni Erwin ang score sa 3 all.
Dahil sa kanilang panalo, ang Sharks ay nanguna sa North Division na may 7-2 panalo-talo at nakatiyak ng finals sa kanilang grupo na makakaharap ang mananalo sa Makati laban sa Marikina na may bentaheng twice to beat.
Sa ikalawang laro, lalung dinagdagan ng Marikina Shoe Makers ang hinagpis ng Taguig ng maungusan ng Shoe Makers ang Taguig, 8-7. (Anatoly dela Cruz)
- Latest
- Trending