5th win hahatawin ng Manila Sharks

Tatangkain ng Manila Sharks Harbour Centre ang kanilang ikalimang panalo upang mapanatili ang solong pangunguna sa ginaganap na Baseball Philippine Series II sa Rizal Memorial ballpark.

Ang Sharks na kasalukuyan may 4-2 panalotalo karta ay makakasagupa ang Dumaguete Unibike sa ganap na alas-10:30 ng umaga pagka-tapos ng sagupaan ng Cebu Dolphins laban sa Forward Taguig sa alas-7 ng umaga.

Inaasahan na bahagyang nakauungos ang Sharks sa dahilan sa bukod sa maraming mga beterano na sila ay matatag pa ang kanilang depensa kontra sa Unibikers na ngayon lang halos nagkasama-sama at hindi pa masyadong kabisado ang isat isa.

Samantala, sa unang laro, pipilitin makabangon ng Cebu Dolphins sa kanilang tatlong na sunod na pagkatalo.

Asam  naman ng nag-dedepensang kampeon na Makati  Mariners ang  kanilang ika-5 panalo kontra sa Marikina Shoe Makers sa torneong hatid ng Philippine Sports Commission at suportado ng Purefoods TJ Hotdogs, Gatorade, Mizuno Sports, Harbour Centre Inc., Industrial Enterprises Inc., Philippine Trans-marine Carriers, Fort Bonifacio Development Corp., Forward Taguig, Philippine Olympic Committee, Gerry Davies Sports at Gonuts Donuts. (Anatoly dela Cruz)

Show comments