San Mig Coffee sa quarterfinals

Umiskor sina Kelvin dela Peña at veteran Al Magpayo ng mga clutch baskets sa endgame upang ihatid ang San Mig Coffee sa 73-65 panalo laban sa wala pa ring suwerteng Bacchus Energy Drink at makapasok sa quarterfinals ng 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup sa The Arena sa San Juan.

Kinana ni 6 foot 1 dela Peña ang kanyang ikatlong tres sa laro upang ilayo ang Coffee Kings sa 71-65 pangungu-na patungo sa huling 17 tikada ng labanan tungo sa kanilang pag bangon mula sa three game losing streak at ma-kisalo sa 3-4 kartada sa Mail & More at Toyota Balintawak.

Kinumpleto naman ng Hapee Toothpaste ang seven-game sweep sa paggupo sa Pharex, 103-80 kung saan nagtala si Fil-Am Gabe Norwood ng career-high 24 points, 7-assists at 4 boards sa 29 minutong  paglaro.

Show comments