^

PSN Palaro

Gold mula kay Wang

-

Nagbigay ng karangalan ang RP wushu team sa bansa matapos komopo si Willy Wang ng gold medal upang pangunahan ang produktibong kampanya ng mga Pinoy sa 9th Wushu World Championships na ginanap sa National Olympic Center sa Beijing, China.

Siniguro ni Wang, one-time world silver medalist, ang kanyang tagumpay matapos igupo si Indonesian Heriyanto para gold medal sa Nan Quan event (Southern Fist style) ng torneo na nilahukan ng 1,000 wushu athletes mula sa 89 countries.

Nagkasya si Matsura Arata ng Japan sa bronze medal sa kategoryang may 150 entry.

Si Wang ay double gold medal winner sa 2005 Southeast Asian Games sa Manila.

Bukod sa kaisaisang gold, ang Philippines ay mayroon ding dalawang silver at dalawang bronze medals para magtapos bilang seventh overall na isang magandang baon para sa kampanya ng mga Wushu artists sa nalalapit na 24th SEA Games sa Thailand, dalawang linggo mula ngayon.

Ang dalawang silver ay mula kina Jennifer Lagilag at Mary Jane Estimar, na lumaban sa women’s sanshou 48 kg. at52 kg., ayon sa pagkakasunod at ang bronze medals ay mula naman kina Ma-rian Mariano (60 kg),sa women’s san-shou din at Benjie Rivera (56 kg) sa men’s sanshou.

Ang Baguio City native na si Lagilag ay umusad sa finals matapos igupo sina Naw Mar Htun ng Myanmar sa semifinals ngunit yumukod kay Vietnamese Nguyen Thi Bich sa laban para sa  gold.

Si Estimar, galing Iloilo, ay yumukod sa championship round laban kay Qin Lizi ng China. Nanalo siya kay Farzaneh Dehgani Younarti ng Iran sa semis.

ANG BAGUIO CITY

BENJIE RIVERA

FARZANEH DEHGANI YOUNARTI

INDONESIAN HERIYANTO

JENNIFER LAGILAG

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with