^

PSN Palaro

4-teams nais makabangon

-

Hangad ng Toyota Balintawak na makabangon mula sa three game losing streak sa pakikipagharap sa mapanganib na San Mig Coffee sa pagpapatuloy ng PBL V-Go Energy Drink Cup sa The Arena sa San Juan.

Kasalukuyang may 3-2 record ang Road Kings na huling natalo sa defending champion Harbour Centre, 86-103 at hangad nilang makabangon sa alas-4:00 ng hapong sagupaan.

Nais namang makabawi ng San Mig Coffee sa 78-88 pagkatalo sa SEA Games bound RP men’s team na dahilan ng kanilang pagdausdos sa 2-2 record.

Sa alas-2:00 ng hapon, magsasagupa naman ang Pharex at Bacchus Energy Drink sa labanan ng mga bokyang teams.

Ang Medics ang nangungulelat sa 0-5 kartada at bahagya lamang nakakaangat ang Raiders sa 0-4 slate at pag-aagawan ng dalawang teams na ito ang unang panalo.

Masaklap ang huling pagkatalo Pharex na abante pa sa 59-55 laban sa Mail & More Comets papasok sa huling 6:32 minuto ng labanan ngunit kumulapso sila at nalasap ang 64-73 pagkatalo.

vuukle comment

ANG MEDICS

DRINK CUP

HARBOUR CENTRE

MORE COMETS

PHAREX

ROAD KINGS

SAN JUAN

SAN MIG COFFEE

TOYOTA BALINTAWAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with