^

PSN Palaro

Aces Nangangapa Pa

FREETHROWS - AC Zaldivar -

 

Hindi naman siguro masasabing lumagpak ang Alaska Milk sa ikalawang matinding pagsubok sa kakayahan nito sa kasalukuyang Smart-PBA Philippine Cup matapos na mabigo kontra sa Magnolia Beverage Masters, 112-108 noong Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kasi nga’y may nagsasabing parang hindi pa kapeso ng Aces ang mga tournament favorites bagamat okay din naman ang naging build-up nila sa off-season at nagkampeon nga sila sa nakaraang PBA Fiesta Conference.

Ang karangalan bilang pre-tournament favorites ay napunta sa Magnolia at sa Talk N Text. Nagbalik kasi sa poder ng Beverage Masters ang national players na sina Danny Seigle at Dondon Hontiveros. Nakuha pa nila buhat sa Red Bull si Larry Fonacier.

Sa panig ng Talk N Text, tatlong RP cagers ang bumalik at ito’y sina Paul Asi Taulava, Renren Ritualo at Jimmy Alapag na siyang mga gulugod ng koponan.

Ang unang team na nakaharap ng Alaska Milk sa kasalukuyang torneo ay ang Talk N Text at kaagad na naresbakan sila ng Phone Pals, 113-106 noong October 17. Pagkatapos ay nasilat sila ng Air 21 Express sa overtime, 102-101 para sa 0-2 na simula.

Pero nakabangon ang Alaska Milk at nagtala ng tatlong sunud-sunod na panalo laban sa Coca-Cola (98-94), Barangay Ginebra (103-92) at Welcoat Dragons (73-60) para mataguriang nag-iinit. Nayeluhan nga lang ang pag-iinit na iyon nang patumbahin sila ng Beverage Masters!

So, talo ang Aces sa Phone Pals at Beverage Masters na siyang pre-tournament favorites. Panalo sila sa mga koponang nasa bottom half of the standings!

Kaya siguro pinagdududahan ang kakayahan ng Alaska Milk.

Kahit na mismong si coach Tim Cone ay nagsabing kritikal para sa kanilang morale ang game kontra Magnolia noong Biyernes. Kung nagwagi sila laban sa Beverage Masters, hindi lang mapapalawig ang kanilang winning streak. Bagkus maraming maniniwala na puwede nga silang magkampeong muli sa isang all-Filipino tournament.

Kahit sila mismo ay maniniwala sa kanilang kakayahan.

Pero first round pa lang naman ito, e. Papainit pa lang talaga ang laban. Hindi naman gaanong napag-iiwanan ang Aces at nakakapit pa sila sa upper half ng standings. Kumbaga sa mismong laro ng basketball, first quarter pa lang ito at may tatlong quarters pang natitira.

Ang kailangan sigurong mangyari ay huwag sobra-sobrang dumepende ang Aces kay Willie Miller dahil sa magiging predictable ang kanilang opensa. Kailangan ding magdeliver ang iba para mas gumaan ang trabaho nila at mahirapang dumiskarte ang kalaban.

***

Happy Birthday kay Aurea “Rhea” Navarro na nagdiriwang ngayon, November 12. Belated birthday greetings naman kay Angela Pascua-Revilla noong November 8.

ALASKA MILK

ANGELA PASCUA-REVILLA

ANTIPOLO CITY

BEVERAGE MASTERS

PHONE PALS

SILA

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with