^

PSN Palaro

Back-to-back win vs Makati asam ng Cebu

-

Sa pagbabalik aksiyon ng Baseball Philippines’ Series II, tatangkain ng Cebu Dolphins na masungkit ang back-to-back na panalo laban sa Makati Mariners sa pagsisimula ng ikalawang round ng eliminasyon sa Rizal Baseball Park.

Sa kanilang unang paghaharap, tinalo ng Dolphins ang Marines, ang nagkampeon sa pilot series ng event na ito upang makamit ang solong pangunguna na may 4-1 panalo-talo karta.

“I just hope we will keep on working hard,” wika ni Cebu team manager Isaac Bacarisas.

Ang bakbakan ay magsisimula sa alas-7 ng umaga.

Sa isa pang nakatakdang bakbakan, aasamin naman ng Manila ang ikaapat na panalo sa kanilang pagkikipagtipan sa Forward Taguig sa alas-2 ng hapon.

Nais din ng Manila na makawala sa two-way tie sa Marikina patungo sa crucial phase ng torneo. Ang Sharks at Shoemakers ay magkatabla sa ikalawang posisyon sa kanilang magkatulad na 3-2 baraha.

 At ang panalong ito ng Manila ang kanilang ikatlo makaraan ang dalawang talo habang nalasap naman ng Taguig ang kanilang ikaapat na talo.

Sasagupain ng  Shoemakers, binubuo ng mga players mula sa UP at Ateneo ang Dumaguete  sa alas-10:30 ng umaga. (Anatoly dela Cruz)

ANG SHARKS

CEBU DOLPHINS

FORWARD TAGUIG

ISAAC BACARISAS

MAKATI MARINERS

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with