^

PSN Palaro

Macapagal naasahan ng Ginebra

-

Nagtumpok ang nagdedepensang Barangay Ginebra ng 25-point lead sa first half bago ito naputol ng Sta. Lucia sa apat sa fourth quarter.

Ngunit sa huli, si Mark Macapagal ang sumagip sa Gin Kings nang humugot ng 14 puntos sa final canto  upang talunin ang Realtors, 103-90, at pigilin ang  kanilang four-game losing skid sa  PBA Philippine Cup kahapon sa Lagao Gymnasium sa General Santos City.

Huling nakalapit ang Realtors, nagmula sa 115-80 pagdurog sa Air 21 Express noong Miyerkules, sa 81-90 sa huling 2:30 ng laro galing sa basket ni Kelly Williams kasunod ang paglayong muli ng Gin Kings sa 96-84 sa natitirang 1:23 nito.

Ang nasabing panalo ang nagbigay sa Ginebra ng 2-4 rekord, habang nahulog naman sa 2-5 ang marka ng Sta. Lucia. (RCadayona)

BARANGAY GINEBRA

GENERAL SANTOS CITY

GIN KINGS

GINEBRA

HULING

KELLY WILLIAMS

LAGAO GYMNASIUM

MARK MACAPAGAL

PHILIPPINE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with