4th win asam ng Hapee at Harbour Centre

Aasintahin ng Hapee Toothpaste at Harbour Centre, dalawang team na nagtatangka sa isang pang title showdown, ang kanilang ikaapat na panalo sa magkahiwalay na engkuwentro sa 2008 PBL V-Go Extreme Energy Drink Cup sa Ninoy Aquino Stadium ngayon.

Determinado ang Hapee Complete Protectors na masundan ang kanilang impresibong 78-73 panalo laban sa Philippine Team noon naka-raang Sabado sa kani-lang pakikipagtipan sa Bacchus Energy Drink sa alas-2 ng hapon.

Sa naturang panalo, ipinakita ni Gabe Nor-wood ang kanyang pina-kamagandang laro nang magsagawa ito ng dala-wang malalaking plays kabilang na ang maka-pigil-hingang drive na tumapos sa panalo ng Hapee.

Ang panalo ding iyon ng Hapee ang nagpaki-nang sa pagbabago sa lineup ng RP team para masiguro ang gold medal sa 24th SEA Games na gaganapin sa Thailand sa susunod na buwan.

Ngunit sinabi ni RP team coach Junel Baculi na makukuha lamang nila ang titulo kung lalaro ang 6’4 na si Norwood, sa Nationals.

“For his (Gabe) court wizardry, we need him in the team,” ani  Baculi. “He’s not a scorer but he can do other things on the court and he’s very effective role player.”

Makakalaban naman ng Harbour Centre ang Toyota Balintawak sa ganap na alas-4 ng hapon bilang main game sa torneong hatid din ng  Xtreme Magic Sing at suportado ng  Gerry’s Grill, ACCEL, Coke, GNC, Suzuki at Hanford.

Show comments