Sino ang karapat-dapat sa RP Team?
Pagkakataon ngayon ng mga miyembro ng SEA Games Bound RP Team na patunayang dapat silang manatili sa team matapos ang panukalang baguhin ang komposisyon ng koponan.
Nakatakdang sagupain ngayon ng Nationals ang San Mig Coffee sa pambungad na laban sa alas-2:00 ng hapon na susundan ng engkwentro ng Mail & More at Toyota Balintawak sa alas-4:00.
May mga pangalan nang isinumite sina RP coach Junel Baculi at PBL Commissioner Chino Trinidad kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan.
Kabilang sa mga pangalang nauna nang binanggit nina Baculi at Trinidad na isasama sa RP Team ay si Fil-American Gabe Norwood, ang defensive stopper na si Erick Rodriguez ng Toyota Balintawak, ang veteran guard na si Al Vergara ng Harbour Centre at mga collegiate stars na sina Chris Tiu ng Ateneo, Ogie Menor ng San Beda at Marcy Arellano at Elmer Espiritu ng University of the East.
Taglay ng RP Team ang 4-2 win-loss record sa likod ng Harbour Centre at Hapee Toothpaste na tabla sa 3-0 kartada habang may 2-1 karta naman ang San Mig katabla ang Toyota Balintawak.
Tangka naman ng Mail & More na iahon ang 1-2 record laban
Natalo ng dalawang beses ang RP squad kaya’t nagdesisyon ang mga opisyal na baguhin ang line-up. (Mae Balbuena)
- Latest
- Trending