Valdez umusad, Del Rosario bigo
ST. PETERSBURG, Russia — Nagrolyo ang nagbabalik na si Paulo Valdez ng Philippines ng 1,281 pinfalls sa six games upang umusad sa susunod na round, pero minalas naman na masibak agad ang kapwa national champion na si Liza del Rosario sa panimula ng 43rd Quibica AMF Bowling World Cup sa Kontinent Bowling Centre dito.
Umiskor si Valdez sa kanyang World Cup debut ng 277 sa final game upang tumapos na pang-17th, pero si Del Rosario, one-time runner up sa pinaka-prestihiyoso at mahirap na individual kegfest, ay gumawa lamang ng 1,119 at lumagay sa 38th spot.
Tanging top 24 na lalaki at babae matapos ang opening six-game block ang uusad sa susunod na round.
Sinimulan ni Valdez, da-ting Asian champion, na nag-balik sa bowling matapos ang dalawang taong pamamahi-nga, ang pagrolyo sa bisa ng 1,185-game na sinundan ng 216, 182, 240 at 181 bago nagposte ng 277.
Nangapa naman si Del Rosario matapos ang opening na 208 ng magpagulong lamang ng 170, 191, 167, 191 at 192 pins na naging daan ng pagtamlay ng kanyang performance.
Bumandera naman si Sun Hee Lee ng
- Latest
- Trending