^

PSN Palaro

5th win kinamada ng Lady Stags

-

Nasikwat ng Lady Stags ang kanilang pang limang sunod na panalo, habang ginitla naman ng nagdedepensang Lady Archers ang karibal na Lady Eagles. 

Binigo ng San Sebas-tian College-Recoletos ang Far Eastern University, 17-25, 25-11, 25-18, 25-9, samantalang tinalo ng De La Salle University ang Ateneo De Manila University via straight set, 25-23, 25-19, 25-20, sa elimination round ng 2007 Shakey’s V-League Second Conference kahapon sa The Arena sa San Juan. 

Muling pinamunuan nina Thai guest player Bualee Jaroensri, Lau-rence Ann Latigay, Jinni Mondejar at Rysabelle Devanadera ang pag-poste ng Lady Stags sa 5-0 rekord patungo sa semifinal round kasunod ang UST Tigresses (4-1), Lady Eagles (4-2), Adamson Lady Falcons (3-3), Lady Archers (2-3), Lady Tams (2-3), Lyceum Lady Pirates (2-4) at talsik nang Letran Lady Knights (0-6).

Ang naturang tagum-pay naman ng La Salle, ang three-time cham-pions, sa Ateneo ang nagpalakas sa kanilang tsansa na makahirit ng silya sa five-team semifinals cast kaagaw ang FEU at Lyceum.

Bago ang torneo, ang Lady Eagles, nagsanay sa Bangkok, Thailand, na ang pinapaborang mag-rereyna sa torneo na inangkin ng Lady Archers noong nakaraang taon.

Sa likod ni guest player Rachel Anne Daquis, sinikwat ng FEU ang opening set, 25-17, bago nagkaroon ng isang ankle injury ang ace spiker ng Lady Tams sa second set kung saan angat ang Lady Stags, 20-8.

Sapat na ito upang dominahin ng San Sebastian ang FEU sa sumunod na tatlong laro, tampok ang ratsada nina Jaroensri, tumipa ng 26 puntos, Latigay at Mon-dejar na kapwa nag-ambag ng tig-12 marka kasunod ang 10 ni Devanadera. (Russell Cadayona)

ADAMSON LADY FALCONS

ANN LATIGAY

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

LADY

LADY ARCHERS

LADY EAGLES

LADY STAGS

LADY TAMS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with