Matapos makansela ng dalawang beses ang kanilang laban, matutuloy na rin ang paghahamon ni Filipino challenger Bert Batawang kay Mexican light flyweight Ulises “Archie” Solis sa Disyembre 8 sa Guadalajara, Mexico.
Ayon sa Mexican press, inihayag na nina promoter Guillermo Brito ng Tijuanese promotional outfit na Zanfer at manager Fernando Beltran ang pagdedepensa ni Solis kay Batawang para sa International Boxing Federation (IBF) light flyweight title.
Ang dalawang pinagpipiliang venue sa Guadalajara para sa Solis-Batawang championship fight ay ang Benito Juarez Auditorium at ang Telmex de la Universidad de Guadalajara.
Ibinabandera ni Solis, ang nakababatang kapatid ni Mexican featherweight Jorge Solis na pinatumba ni Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa seventh round noong Abril 14 sa Alamodome sa San Antonio, Texas, ang 25-1-2 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs, samantalang dadalhin naman ng 36-anyos na si Solis ang 50-6- (34KOs) card. (RC)