^

PSN Palaro

Ano ang kapalaran nina Tañamor, Basadre at Payla?

-

CHICAGO, Illinois -- Ang kapalaran sa Olympics nina light-flyweight Harry Tañamor, flyweight Violito Payla at lightweight Genebert Basadre ay malalaman ngayon sa kanilang pakikipagharap sa mabibigat na kalaban sa Interrnational Amateur Boxing Association World Boxing Championships sa University of Illinois-Chicago Pavilion dito.

Nakarating sina Payla, Tañamor at Basadre sa round of 16 ngunit kailangan nilang makarating sa quarterfinals para makapasok sa 2008 Beijing Olympics.

Dalawang beses nag-ensayo ang tatlo kasama ang iba pang miyembro ng RP-PLDT-Smart boxing nitong Martes sa UIC Physical Education building.

Makakaharap ni Payla ang kapwa Athens Olympian na si Rau’shee Warren ng host USA Boxing.

“Magandang makalamang kaagad,” ani Payla.

Makakasagupa naman ni Tañamor si Sherali Dostiev ng Tajikistan,  habang makakasagupa naman ni Basadre ang mapanganib na Armenian na si Hrachik Javakhyan na nagtala ng 20-16 panalo kay Sadam Ali sa round of 32.

Hangad masundan ni Tañamor ang yapak ni Romeo Brin na lumaban sa tatlong Olympics.

 Lumaban ang Army Sargeant na si Tañamor sa 2000 Sydney Olympics at 2004 Athens Olympics ngunit di nanalo ng medalya.

Naging mapanganib ang panalo ni Basadre kina Ognyan Kolev ng Bulgaria, 19-13 at Faraj Al-Matboli ng Jordan, 29-7 at nangako ang  23-gulang na Army Sergeant kay RP coach Pat Gaspi na hindi na ito mauulit.

Samantala, nangaral si Evander Holyfield tungkol kay Hesu Kristo at ang kahalagahan ng pagmamahalan sa 200 atleta, coaches at officials sa Palmer House Hilton noong Lunes na pinamagatang Real Deal, Holyfield kung saan hindi nito pinansin ang mga tanong ukol sa kanyang retirement.

ARMY SARGEANT

ARMY SERGEANT

ATHENS OLYMPIAN

BASADRE

PAYLA

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with