CHICAGO, Illinois — Binugbog nina lightflyweight Harry Tañamor at lightweight Genebert Basadre ang kanikanilag kalaban sa International Amateur Boxing Association World Boxing Championships nitong Linggo sa University of Illinois Chicago Pavilion dito.
Iginupo ni Tañamor si Nasir Mohammed ng Wales, 245, habang pinabagsak ni Basadre si Faraj AlMatboli ng Jordan, 297 upang samahan si flyweight Violito Payla ng RP PLDT Smart boxing team sa round of 16.
Bagamat binigyan ng dalawang warnings si Basadre nagawa niyang lusutan ito para makalapit sa 2008 Beijing Olympics habang dinomina naman ni Tañamor sa simula pa lamang ng laban matinding Welshman.
Kung nawarningan pa ng isa si Basadre, nangangahulugan ito ng disqualification.
Ayon sa AIBA, ang mga quarterfinalists dito ay papasok sa Beijing.
Maagang lumamang ang 2000 Sydney at 2004 Athens Olympics veteran na si Tañamor sa 133 sa pagtatapos ng second round bago maiselyo ang panalo sa kanyang malalakas na suntok na tumama kay Mohammed, na nagkaloob sa kanya ng 205 kalamangan.
‘‘Harry’s improving and will be in peak form come his next fight,’’ sabi ni RP coach Pat Gaspi.
Susunod na makakaharap ni Tañamor si 2005 World Championships bronze medalist Sherali Dostiev habang makakalaban naman ni Payla si Rau’shee Warren, sumisikat na miyembro ng United States boxing team.
Samantala, pinauwi ni AIBA president Ching Kuo Wu ang tatlong Romanian boxers, kasama ang kanilang coach at manager at pinatawan ng lifetime bans matapos mahuling nagshoplift sa isang department store ng Chicago.