^

PSN Palaro

Malalaking Yapak Ng Giants

FREETHROWS - AC Zaldivar -

 

Tutoo na ba ang Purefoods Tender Juicy Giants?

Aba’y ang Giants na lamang ang tanging koponang hindi pa nagugurlisan sa Smart-PBA Philippine Cup kung saan nakapagtala sila ng tatlong sunud-sunod na panalo para manguna.

Well, parang true-to-form naman talaga ang Purefoods at hindi nakakagulat ang pangyayaring nasa itaas ito ng standings. Kasi nga ang Giants naman ang siyang nagtagumpay sa pre-season tournament kung saan nakapagtala sila ng malinis na 5-0 record.

Pero kahit na sila nga ang naging pre-season champion, hindi pa rin sila ang pinaboran ng mga odds makers sa tournament proper.

Ang Magnolia Beverage Masters at Talk N Text Phone Pals ang siyang tinaguriang teams-to-beat. At tama lang marahil ito.

Kasi nga’y lubhang lumakas ang Magnolia sa pagbabalik ng mga national players na sina Danny Seigle at Dondon Hontiveros at sa pagkakakuha nila kay Larry Fonacier buhat sa Red Bull. Isa pa’y nagbalik din sa active duty si Lordy Tugade na hindi nakapaglaro sa Fiesta Conference bunga ng injury. So talagang matindi ang line-up ng Magnolia.

Ang Talk N Text naman ay lumakas din sa pagbabalik ng mga national players na sina Paul Asi Taulava, Jimmy Alapag at Renren Ritualo. Biruin mong kahit na wala ang tatlong ito ay sumegunda ang Phone Pals sa Alaska Milk sa nakaraang torneo. Ngayon pa kayang nagbalik na ang terrible trio? Siyempre, mataas ang expectations ng lahat sa Talk N Text.

Pero ang Talk N Text at Magnolia na siyang pre-tournament favorites ay kabilang sa mga nabiktima na ng Purefoods.

Nang pinatumba ng Giants ang Sta. Lucia Realty, 96-89 dalawang Miyerkules na ang nakalilipas. Maraming nag-akalang parang tsamba lang ang panalong iyon dahil sa nakalamang ng 16 puntos ang Realtors at nakabawi lang sa dulo ang Purefoods.

Pero napawi ang pag-aalinlangan sa Purefoods nang tambakan nito ang Talk N Text, 112-97 sa unang out-of-town game ng torneo sa Lamberto Macias Gym sa Dumaguete City dalawang Sabado na ang nakararaan. At noong Biyernes ay isinunod nila ang Magnolia, 93-90.

So kung tinalo na ng Purefoods ang mga pre-tournament favorites, ibig bang sabihin na dapat ay titigang mabuti ang Giants sa kanilang mga susunod na games?... Natural!

Iyan talaga ang gagawin ng anim na iba pang koponang makakasagupa ng tropa ni coach Paul Ryan Gregorio. Habang nagwawagi sila, lalo silang paghahandaan nang husto ng kanilang makakalaban.

Pero siyempre, sasabihin ni Gregorio na iba na ang nakakauna. Ipauunawa nga lang niya sa kanyang mga manlalaro na hindi sila dapat na magkumpiyansa dahil sa nag-aadjust pa naman ang ibang teams.

Kapag nagsettle down na ang mga ito, mas matindi ang magiging performance nila at hindi na magiging madali para sa Purefoods na makapagposte ng panalo!

ALASKA MILK

ANG MAGNOLIA BEVERAGE MASTERS

ANG TALK N TEXT

PERO

PUREFOODS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with