Sa sobrang bilis ng laro ay maski si head coach Tim Cone ay nahihilo sa mga pangyayari.
“It’s so hard to win these days. It’s difficult and the phase of the game is so frenetic, especially the way the referees put the ball in the court. It’s like we are playing high shool basketball,” ani Cone matapos talunin ng kanyang Alaska ang Coca-Cola, 98-94, sa 2007 PBA Philippine Cup kahapon sa Araneta Coliseum. “But I’m just glad that we got our first win.”
Ang tinutukoy ni Cone ay ang ilang beses na pag-aagawan ng Aces at Tigers sa unahan hanggang makuha ng 1996 Grand Slam champions ang bentahe sa 90-87 sa huling 2:49 ng final canto galing sa three-point shot ni Jeffrey Cariaso.
Tig-isang freethrow nina Cortez at two-time Most Valuable Player Willie Miller at jumper ng 34-anyos na si Cariaso ang naglagay sa Aces sa 94-90 sa huling 57.1 segundo bago naidikit ni John Arigo ang Tigers sa 92-94 agwat sa nalalabing 39.4 segundo.
Ganap na sinelyuhan ni Miller ang unang panalo ng Alaska matapos ang dalawang sunod na kabiguan mula sa kanyang dalawang freethrows kay Coke center Mark Telan sa natitirang 6.8 segundo.
Naglalaban pa ang Purefoods at Magnolia habang sinusulat ang balitang ito. (RCadayona)