Alcano, Boening paborito sa WPC
Ang bagong US Open 9-ball titlist na si Shane Van Boening ba ang ‘man to beat’ isa 2007 World Pool Championship? Mabigat na hamon ito para kay defending champion Ronnie Alcano na tinalo ng 24-gulang na si Boening para sa titulo.
Ang dalawang ito ang mga paborito sa pagbubukas ng World Pool Championships sa Nov. 3 sa Araneta Coliseum.
Matapos ang kanyang nakaraang tagumpay, ang 24-gulang na South Dakota ang nangungunang American contender para sa titulo matapos niyang dominahin si Alcano sa US Open.
Dalawang beses tinalo ni Boening, 90 percent na bingi at gumagamit lamang ng hearing aid, si Alcano, una sa winners’ bracket semifinals, 11-4 at ikalawa sa finals, 13-10 para sa $50,000 grand prize.
Dahil dito, inaasahang dudumugin ng mga biliard fans World Pool Championship na hatid ng San Miguel Corp. at PAGCOR.
Ang WPC ay ibro-broadcast ng live ng ABS-CBN matapos magkasundo ang Raya Sports and Events, ang Filipino promoter ng 2007 Philippines World Pool Championship, at ABS-CBN Sports kahapon.
Pinirmahan nina Yen Makabenta, Raya Sports President at Peter Musngi, ABS-CBN Sports Managing Director ang kasunduan sa contract signing na ginanap sa Restaurant 9501 ng ELJ Building ng ABS-CBN.
- Latest
- Trending