‘Relax officiating’ ng PBA binabatikos
Imbes na makalikha ng excitement sa mga laro sa Philippine Basketball Association, galit mula sa mga coaches at maging sa mga opisyal ng liga ang namuo sa ‘relax officiating’ na ipinatu-tupad ngayon sa PBA Smart Philippine Cup.
Dahil sa pagrerek-lamo ni Red Bull coach Yeng Guiao sa officiating ng kanilang nakaraang panalo kontra sa Baran-gay Ginebra, 102-95, sinuspindi ito ni Officer-In--Charge Sonny Barrios.
Sinugod ni Guiao ang Technical Committee head na si Perry Martinez pagkatapos ng kanilang panalo noong Biyernes.
Nakaligtas si Guiao sa pagmumulta ngunit sinabi ni Barrios na isa itong babala para sa iba pang coaches.
“I told Yeng the objective of the new rules is to just add more excitement and spice up the game and not to encourage rough plays,” ani Barrios. ““I will take to heart his inputs and share them with the game officials.”
Sa nakaraang laban ng Sta. Lucia, nagrekla-mo na ang team manager na si Buddy Encarnado habang sumulat naman si Alaska team owner Wil-fred Uytengsu kay PBA Chairman Tony Chua ng Red Bull na rebisahin ang mga bagong rules.
Dahil sa maluwag na officiating, nagkakasaki-tan na ang mga players patunay sa ilang insiden-teng naganap sa mga naunang gamedays.
Hindi makakasama si Guiao sa pakikipagharap ng Bulls laban sa Welcoat bukas sa Araneta Coliseum.
- Latest
- Trending