^

PSN Palaro

Alcano runner-up

-

Dalawang beses natalo si Ronnie Alcano kay American Shane Van Boening, una sa semis at ang sumunod ay para sa titulo para magkasya ang Filipino double world pool champion sa second sa US Open 9-ball Championship sa Chesapeake Convention Center sa Chesapeake, Virginia nitong Sabado.

Dinispatsa ni Van Boening, 24 si Tomoki Mikari, 11-9, para makapasok sa finals kung saan diniskaril nito si Alcano, 13-10, para sa titulo na may kasamang  $50,000 premyo.

Masaklap na pagkatalo ito kay Alcano, na nagsikap manatili sa kontensiyon sa pamamagitan ng 11-5 victory laban kay Mikari sa semis ngunit yumukod din kay Boening para sa $25,000 (P1.1 million) runner-up prize.

Tinalo ni Alcano sa losers’ bracket si Louis Ulrich at former world champion at German ace Ralf Souquet, 11-3, upang makaharap si Mikari.

Nauna namang tinalo ni Souquet si Ramil Gallego, 11-9, upang itakda ang laban kay Alcano.

Dinomina ni Van Boening ang winners’ bracket semis match kontra kay Alcano, ang reigning world 8-ball and 9-ball champion, na naging matapang sa pagtatangka ng mga alanganing combinations at precise banks.

ALCANO

AMERICAN SHANE VAN BOENING

CHESAPEAKE CONVENTION CENTER

LOUIS ULRICH

MIKARI

RALF SOUQUET

RAMIL GALLEGO

RONNIE ALCANO

TOMOKI MIKARI

VAN BOENING

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with