Purefoods naka-2 na

Nakopo ng Purefoods Chunkee Giants ang kanilang ikalawang sunod na panalo nang pasiklaban nila ang pinapaborang Talk N Text sa 112-97 tagumpay sa unang out of town game ng 2007 Smart PBA Philippine Cup sa Lamberto Macias Sports Center sa Dumaguete.

Hawak na ngayon ng Giants, ang champion ng pre-season tournament, ang liderato habang bumagsak naman ang Phone Pals sa 1-1 kartada.

Kumamada si Kerby Raymundo ng 25-puntos na sinegundahan ni James Yap ng 24 para sa Purefoods na bumawi sa kanilang masamang simula tungo sa kanilang ikapitong sunod na panalo kabilang ang 5-game sweep sa preseason games.

Naging epektibo naman sina Marc Pingris, Roger Yap, Chico Lanete, Jondan Salvador at Romel Adducul upang punan ang pagkawala ni Peter June Simon, na nagserve ng automatic one-game suspension dahil sa kanyang dalawang flagrant fouls kontra sa Sta. Lucia noong Miyerkules.

Mula sa 53-pagtatabla ng iskor, umiskor si James ng tres at lay-up upang  mitsahan ang 13-2 run tungo sa 66-53 kalamangan.

Nagkaroon ng aksidente sa laro nang tamaan ni Jimmy Alapag ang mata ni Roger Yap.

 

Show comments