^

PSN Palaro

Manila humahabol sa QC

-

Humakot ang Manila ng anim pang gold medals sa centerpiece athletics event para makalapit sa overall leader Quezon City sa Day 2 ng National Capital Region Qualifying Games ng 2nd Philippine Olympic Festival sa Rizal Sports Complex.

Nagbida ang magka-babatang sina Christopher Ulboc at Jerome Oclaret sa pagkopo ng lima sa 19 golds ng Manila bets.

Nanguna si Ulboc, 17-anyos sa 10,000-meter run sa oras na 35 minuto at 55 segundo para maging unang triple gold medal winner ng Palaro matapos itong manguna sa 5,000m at 3,000m steeplechase noong Miyerkules.

Naka-gold naman si Oclaret, 18-gulang sa discuss throw sa kanyang hagis na 38.27 para talunin sina Rongie Abing ng Taguig at Manila teammate Regie Abraham na nagtala ng 31.94 at 24.45 para sa silver at bronze ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang nanalo ang 5’7”, 150-pound na si Oclaret, gold medalist no-ong nakaraang Palarong Pambansa sa Koronadal, South Cotabato, sa shot put noong opening day nang maagang makuha ng Manila ang overall leadership sa five-day event na ito na suportado ng Globe, The Philippine STAR, Accel, Negros Navigation, Asia Brewery, AMA Computer College at Creativity Lounge.

Naghatid din ng gold sa Manila sina FEU bet Rom-nick Herida at Ruffa Bar-gola sa 200m dash, Kenneth Grace Ferrera sa javelin at Charito Bajuyo sa high jump.

Ang Manila na magho-host ng NCR Leg sa susu-nod na taon ay mayroon nang, 24 gold medals kabi-lang ang 13 sa Day 1 ng track and field para mau-ngusan ang Pasig City na may 20 golds na lahat ay galing sa swimming.

Nangunguna ang Que-zon City na suportado ni Mayor Sonny Belmonte na may  32 gold medals-- lahat ay galing sa aquatics team sa pangunguna nina Kezia at Louise Sarmiento na may tig-10 golds.  (JVillar)

vuukle comment

ANG MANILA

ASIA BREWERY

CHARITO BAJUYO

CHRISTOPHER ULBOC

CITY

PLACE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with