Nalusutan ng never-say-die RP-Cebuana women’s team ang unang malaking pagsu-bok makaraang iposte ang kapana-panabik na 80-76 panalo laban sa matatangkad na Thailand team sa ikalawang araw ng South East Asian Basketball (SEABA) championship sa Phuket, Thailand.
Binuo ng may dala-wang buwan pa lamang at naglalaro sa unang international game sapul nang masuspinde ang bansa sa FIBA, naghabol ang RP-Cebuana sa ikat-long quarter at sumandal sa kabayanihan nina Fil-Am Vicky Brick at bete-ranong si Emelia Vega sa dying seconds para humatak ng tagumpay.
Nanguna ang Fil-Am na si Bricks, na naglaro sa Amerika sa Division 1 noong panahon niya sa kolehiyo, sa kanyang kinamadang 18 puntos ngunit higit na pinaki-nabangan ang pagka-agresibo at hard drives ng beteranang si Vega na, kumana ng tatlo sa apat na freethrows sa closing seconds at magbigay ng panalo sa mga Pinay.
Susunod na maka-kalaban ng Philippines ang Indonesia sa Martes ng gabi, Singapore sa Miyerkules, bago harapin ang title contender Malaysia sa Huwebes.