Bata, Django, Alcano nagparamdam

Nagtala sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante at Ronnie Alcano ng ma-gaang panalo nang dominahin ng mga Pinoy ang unang round ng US Open 9-ball Championship sa Chesapeake Convention Center sa Chesapeake, Virginia nitong Lunes.

Iginupo ni Reyes, former world 9-ball champion, si Jim Faircloth, 11-3, upang isaayos ang second round duel kay Marc Vidal sa lower half ng third bracket sa  four-division field na may 223 world caliber cue artists.

Magaan din ang panalo ni Bustamante, dating world No. 1, kay David Rowell, sa 11-4 rout upang isaayos ang laban kay Richie Orem, na naka-bye sa unang round.

Tinalo naman ni Alcano, naghahangad na madagdagan ang kan-yang world 9-ball at 8-ball crowns, si Ryan Hersh-man, 11-2, para itakda ang second round faceoff laban kay Paddy Mc-Laughlin, na nakaungos kay Carie Dunn, 11-9.

Nanaig din sina Jose Parica, Lee Van Corteza at Warren Kiamco laban kina John Harris, 11-0; Shawn Keaton, 11-4; at Georgio Margola, 11-10, ayon sa pagkakasunod sa Bracket 3.

Ngunit anim na Pinoy na naghahanda para sa World Championship sa Manila, ang kailangang manalo sa third o fourth rounds para makapasok sa quarters.

Nanalo rin sina Ro-dolfo Luat at Dennis Orcollo kontra kina Hunter Lombardo at Cliff Joyner, ayon sa pagkakasunod sa Bracket 2.

Ang world 9-ball champion Alex Pagu-layan na kaisa-isang entry sa Bracket 1, ay nanalo kay Carsten Due, 11-3, para sa second round clash laban kay Frank Alvarez, na nanaig kay Mark Panlovic, 11-5.

Tanging si Ramil Gallego ang Pinoy na natalo sa kanyang opening day match, laban kay Markus Juva, 5-11,sanhi ng kanyang pag-dausdos sa loser’s side ng tournament na may premyong $50,000 sa champion.

Nakausad din sa susunod na round sina Ernesto Dominguez, Jeremy Jones at Tony Robles sa Group 1, Earl Strickland, John Schmidt, Ralf Souquet at Johnny Archer sa Group 2, Thorsten Hohmann at Niels Feijen sa Group 3, at Rodney Morris, Mike Davis, Nick Varner, Corey Deuel at Marcus Chamat sa Group 4.

Show comments