^

PSN Palaro

May ibubuga si Stephanie Mercado

SPORTS - Dina Marie Villena -

Napanood ko nang maglaro ang magandang anak ni dating Sprint Queen Lydia de Vega-Mercado na si Stephanie Mercado.

Si Steph ay miyembro ng De La Salle University volleyball team. At siguro may dalawang conference na rin siya or more na naka-lineup sa DLSU para sa Shakey’s V-League at medyo disappointed nga ako dahil sa ilang beses kong panonood eh never ko siyang nakitang napasabak sa playing court.

At siyempre prerogative ng kanilang coach. Maaaring inihahanda siya ng husto.

Kaya naman noong Sunday, nasiyahan ako dahil  at least napanood ko na si Steph.

At magaling pala siyang volleyball player. Katunayan siya ang nagdala sa Lady Archers but not enough dahil talo sila sa University of Santo Tomas.

Nanalasa ng husto para sa UST si Venus Bernal, Mary Jean Balse at guest player Suzanne Roces.

But then talagang ganun ang laban, may natatalo at may nananalo. Wagi ang UST at bigo ang DLSU.

For sure babawi sila ngayon kung saan muli isa sa sasandalan ni coach Ramil de Jesus ay si Stephanie.

May kinabukasan ang magandang bata.

Hindi nga lang siya trackster na tulad ng kanyang inang si Diay, pero ang taas din niyang lumundag kapag pumapalo ng bola.

Good luck Steph sa iyong napiling sports!

* * *

Gulat ako sa opening ng Shakey’s V-League na ginanap sa The Arena sa San Juan.

In fairness ha, pinanonood sila at paying public hindi po libre.

Kunsabagay, talaga namang may followings na sila dahil nakakailang conference na ba sila ngayon?

Nakatatak na sa mga mahihilig sa volleyball ang V-League kaya talagang dadayuhin sila.

I’m sure, kung nasaan man ngayon si Jun B. masayang-masaya sa outcome ng kanyang project. Congrats kina Tito Moying Martellino, Ricky Palou, Rhea Navarro, Elmer Yanga at iba pang miyembro ng Sports Vision, ang organizer ng liga.

DE LA SALLE UNIVERSITY

ELMER YANGA

JUN B

LADY ARCHERS

MARY JEAN BALSE

V-LEAGUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with