Kukumpletuhin ni Pangulong Gloria Maca-pagal-Arroyo ang heavyweight class ng nalalapit na 45th World Boxing Council (WBC) Convention na gaganapin sa makasaysayang Manila Hotel sa Nobyembre 11-17 .
“Her Execellency President Gloria Maca-pagal-Arroyo will join some of the world’s boxing greats, and we’re all very excited. This early, we’re predicting a knockout victory for the country as host of this boxing main event,” ani Games and Amusement Board (GAB) Chairman Eric Buhain.
Si Buhain ang mag-sisilbing ‘ring announcer’ sa isang linggong event kung saan bukod sa Pangulong GMA ay dadaluhan din ang natu-rang event na mga ala-mat sa boxing tulad nina WBC president Jose Sulaiman, dating champions Lennox Lewis, Larry Holmes, Roberto Duran, Oscar De La Hoya at Marco Antonio Barrera .
Nagparamdam na rin ang agent ni Mike Tyson, ang tinaguriang “baddest man on earth,” GAB ng kanilang interes na maka-punta dito sa Pilipinas habang si Barrera naman ay inaayos na ang isked-yul mula sa imbitasyon ni Sulaiman.
At siyempre, ang People’s Champ na si Manny Pacquiao.
Nagpahayag ng inten-siyon si Pacquiao na maghost ng dinner para sa mga kapwa niya Pinoy boxers kasama ang ilang bigatin ng WBC, na maa-aring magsara sa isang mega-fight deal na kabibilangan ng mga top ranked fighters.
“Like I said, it’s a non-stop series of main events for the WBC Convention. The Philippines will welcome the world’s boxing greats,” ani Buhain.
Isang 24-card fight ang magtatampok sa convention.