^

PSN Palaro

4 na UE Warriors sa Bacchus

-

Apat na players ng University of the East na sina Hans Thiele, James Marti-nez, Pari Llagas at Mark Fampulme ay kinuha ng Bacchus Energy Drink para sa kanilang kampanya sa nalalapit na PBL First Conference.

Ang apat kasama sina veterans Marcy Arellano at Mark Borboran ang naging susi sa pagkumpleto ng Red Warriors sa mailap na 14-game sweep sa eliminations para makadiretso sa finals ngunit sa kasamaang palad ay na-sweep naman sila sa best-of-three  titular series ng eventual champion na La Salle.

Inaasahang makakaani ang apat na players ng karanasan sa pakikipag-harap sa mga eksperyen-sadong player ng Harbour Centre, Hapee Toothpaste, San Mig Coffee, Toyota Balintawak, Lina Group of Companies at newcomer Pharex na kanilang maga-gamit para sa East sa susunod na UAAP season.

“UE has a good basketball program so I decided to take some of its players,” sabi ni coach Lawrence Chongson. “They’re talented so they have a good chance of making it big in the league.”

 “Ito ay malaking pag-subok, pero hindi namin to aatrasan,” sabi pa ni Chongson.

Ang iba pang players ng Bacchus na nanggaling sa UE ay sina Robert Labagala at Angelus Raymundo.

Ang iba pang miyembro ng team ay sina Rey Guevarra at Hafer Mon-dragon ng Letran at Mark Cagoco ng Jose Rizal.

Magbibigay naman ng experience para sa team sina Kenneth Coyukang, Rey Mendoza, Mike Dizon at Josh Urbiztondo.

Kumpiyansa naman si team manager Achit Kaw sa tsansa ng kanyang team ba-gamat sinabi niya  “we have to work hard and play smart to realize their modest goal of making it to the semis.”

Samantala, inihayag naman ni PBL Executive Director Butch Maniego na ang Ninoy Aquino Stadium ay isa sa magiging venue ng liga.

vuukle comment

ACHIT KAW

ANGELUS RAYMUNDO

EXECUTIVE DIRECTOR BUTCH MANIEGO

FIRST CONFERENCE

HAFER MON

HANS THIELE

HAPEE TOOTHPASTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with