^

PSN Palaro

Kahit araw-araw magboksing si Pacquiao

- Nina Rudy Andal at Angie dela Cruz -

Handang magboksing kahit araw-araw si Manny Pacquiao kung ito ang magiging daan para mapag-isa ang mga mamamayang Filipino.

Ito ang sinabi ni Pacquiao sa maikling talumpati nito sa Malacañang sa kanyang courtesy call kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

“Kung ang pakikipaglaban ko araw-araw ang magiging daan upang tayong lahat ay magkaisa ay nakahanda ako kung ito ang solusyon ng ating pagkakaisa,” wika pa ni Pacquiao.

Pinasalamatan ng boxing champ ang Pangulo gayundin ang iba pang government officials na patuloy siyang sinusuportahan sa lahat ng kanyang mga laban.

Kasama ni Pacman ang kanyang ama-amahan na si Environment Secretary Lito Aitenza, dating Gov. Chavit Singson at ang Team Pacquiao ng magtungo sa Palasyo.

Sa kabilang dako, iginiit  ni Peoples  Champ Manny “Pacman”  Pacquiao  na  hindi niya inisnab  ang  ginawang  hero’s  welcome   ng Lunsod  ng Maynila  sa  pagsalubong  sa kanyang pag -uwi sa  bansa.

Ayon  kay Pacman, hindi  umano nakipagugnayan ang naturang lunsod  sa  kanyang  kampo  at  nagulat  na lamang  siya  sa  pagdating sa Ninoy Aquino International Airport nang malaman na may imbitasyon sa kanya  ang Maynila.

Dagdag pa ni Pacman na sa mga nauna niyang laban may abiso ang Maynila na may aktibidades ang Maynila subalit itong huli niyang laban ay wala namang abiso sa kanyang kampo ang lokal na pamahalaan ng Maynila

Samantala, nagdonate  ng P100,000  si Pacquiao sa Philippine Eagle  Foundation  upang magamit sa preservation ng mga agila  sa  bansa sa kanyang pagtungo sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR).

Nilinaw pa  ng  Peoples champ na kaya  siya  nagpalit  ng trademark  na agila  sa kamao  ay  layon niyang makatulong sa kampanya para mapangalagaan ang  species ng Phil. Eagles  gayundin  sa illegal logging at pagtatanim ng mga punong kahoy sa mga nakakalbong kagubatan  sa bansa.

vuukle comment

CHAMP MANNY

MAYNILA

PACMAN

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with