Sayang ang Red Warriors
Anong nangyari sa University of the East?
Nakakalungkot naman na isipin na nakaya nilang ma-sweep ang 14 na laban sa eliminations pero kahit isa sa kanilang best-of-three finals laban sa
Saan nagkamali? Sa coach ba o sa mga players?
Sayang!
* * *
At maganda naman ang comebacking ng DLSU. Nagbalik silang may nais patunayan.
Hindi ba’t kaya sila na-suspinde ay dahil sa paggamit ng in-eligible players kaya pati title nila ay natanggal sa kanila.
So this season na kanilang bagong season din ay kailangang malinis ang lahat at patunayang kung gaano sila kalakas as a team.
O well, noong una pa man sila talaga ang contender kasama ang UE Red Warriors.
May napatunayan si coach Franz Pumaren. Malaki ang naitulong ng kanyang championship experience kaysa sa nakababatang kapatid na si Dindo, ang coach ng UE.
May natutunan din si Dindo sa ngayon. Congrats sa DLSU Green Archers at kay Franz.
* * *
Magsisimula na ang PBA season sa Linggo, Oct. 14. Tiyak na excited ang marami lalo na ngayong lalaro na uli sa kani-kanilang team ang mga superstars na hindi nakalaro dahil sa paglalaro nila sa National team.
On papers, malakas daw ang Magnolia Beverage Masters (dating San Miguel Beer).
Intact pa rin ang Beverage Masters at may nadagdag pa silang mahuhusay na players mula sa rookie draft at trade na naganap.
O well, kailangang mapatunayan sa actual game. Di ba coach Siot Tanquingcen?
* * *
Happy Birthday kay Micah Elaine Francisco (Oct. 14) Chay
- Latest
- Trending