Pacman nagtayo ng kumpanya sa US
Ang Las Vegas-based company ay ang MP Promotions USA at ang president ay ang kapatid ni Pacquiao na si Rogel na siyang mangangasiwa ng ari-arian ni Pacman sa Amerika.
“Manny wants his finances in order,” sabi ng source. “We’re lucky that a financial planner, who’s a former IRS agent, has agreed to help out Manny, particularly in relation to taxes he has to pay.”
Kilala ang financial planner na kinuha ni Pacquiao dahil mga celebrity ang kanyang mga kliyente na kinabibilangan ni Erik Morales.
Ngayong magkasundo na ang Top Rank at Golden Boy, mas marami nang oportunidad para lumaban si Pacquiao.
“I think Top Rank and Golden Boy getting together is good for boxing as a whole,” wika ng source. “And since Golden Boy has a lot of top fighters in Manny’s division, he can select his next opponent from a wide range of contenders. The partnership made possible Manny’s rematch against (Marco Antonio) Barrera,” dagdag pa ng impormante. (Quinito Henson)
- Latest
- Trending