Barrera tututukan ng Team Pacquiao

LOS ANGELES -- Pagtunog ng opening bell, nakatutok ang lahat ng mata ng Team Pacquiao kay  Marco Antonio Barrera  mula ulo hanggang paa.

“Kailangan bantayan yung headbutt (Watch out for that headbutt),” sabi ni Nonoy Neri, isa sa mga Pinoy trainers ni Manny Pacquiao.

“Kailangan mag-ingat si Manny dun (Manny should be careful with that),” sabi pa ni Neri na siya ring nagluluto ng pagkain ni Pacquiao, taga-masahe at dietician.

Ang isa pang dapat bantayan ayon kay Neri ay ang footwork ni Barrera, hindi dahil sa bilis nito ngunit dahil sa ibang dahilan.

“Nang-aapak ng paa si Barrera at baka ma-off-balance si Manny (Barrera steps on your feet and Manny might be caught off-balanced),” ani Neri.

Ayon kay Neri, posibleng gawin ito ni Barrera kung madedehado na ito ngunit sinabi niya maaaring wala nang pagkakataong gawin ang mga bagay na ito.

Kung maaagang magkakaupakan ayon kay Neri, pabor ito kay Pacquiao dahil masisira ang game-plan ni Barrera. “Hindi siya makikipagsabayan. Baka gamitin ang ring (Barrera will not mix it up, and might use the ring),”  aniya.

Ibig sabihin, kailangang go-for the kill na si Pacquiao kapag nakasilip ito ng pagkakataon. “Sa unang tamaan pa lang, kapag nasaktan si Barrera, kailangan tapusin na agad,” wika ni Neri.  (A. Cordero)

Show comments