^

PSN Palaro

Ateneo at De La Salle ‘magpapatayan’ sa Big Dome

-

Kung mayroon mang maghihiwalay sa magka-ribal na Green Archers at Blue Eagles sa kanilang ‘rubber match’ ngayong hapon, ito ay walang iba kundi ang puso. 

“There will be no major changes. If any, it will be very minimal,” sabi ni De La Salle University mentor Franz Pumaren sa kanilang pang alas-3 ng hapong salpukan ng Ateneo De Manila University ni coach Norman Black sa Final Four ng 70th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Colsieum. “It’s all about heart and determination to win the game.”   

 Ang mananaig sa pagitan ng Green Archers, humawak ng ‘twice-to-beat’ advantage laban sa Blue Eagles mula sa pagiging No. 2 team sa Final Four, ang siyang haharap sa nag-aabang na Red Warriors ng University of the East sa championship series.

 Binigo ng Ateneo ang La Salle, 65-64, noong Huwebes sa harap ng 16,000 manonood sa Big Dome para itulak ang isang ‘do-or-die’ match at iposte ang kanilang pang limang pagtatagpo nga-yong taon.

 Mula sa naturang tagumpay na pinanguna-han nina Chris Tiu at Ford Arao, may 3-1 rekord ngayon ang Blue Eagles, ang 2002 UAAP champions, laban sa Green Archers.

 Ayon kay Black, wala siyang nakikitang benta-he ng sinuman sa Ateneo at La Salle pagdating sa kanilang huling banggaan ngayong 2006.  

“We and La Salle are evenly matched,” wika ni Black. “It boils down on who wants it more in the sudden death and certainly, there’s no such thing as momentum when it comes to this situation.” 

 Hangad ni Black, humugot ng 10 korona sa professional league, na muling maihatid ang Blue Eagles sa kanilang ikala-wang sunod na finals stint makaraang matalo sa Growling Tigers ng University of Sto. Tomas noong nakaraang taon.

 Muling aasahan ng Ateneo sina Tiu, Arao, Eric Salamat, Jai Reyes at Nonoy Baclao kontra kina JV Casio, Rico Maierhofer, Cholo Villa-nueva, TY Tang at PJ Walsham ng La Salle. (Russell Cadayona)

ARANETA COLSIEUM

ATENEO

BLUE EAGLES

FINAL FOUR

GREEN ARCHERS

LA SALLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with