^

PSN Palaro

Sariling record winasak ni Padilla

-

Nagtala ang veteran internationalist na si Nathaniel ‘Tac’ Padilla ng 584 puntos upang basagin ang Philippine record sa center fire pistol event sa kasalukuyang National Open shooting championships noong Linggo sa PSC range sa Fort Bonifacio.

Binura ng 43-anyos na si Padilla ang kanyang dalawang taong marka na 583 ng bumandera ito kina Carolino Gonzales (559) at Robert Donalvo (551) tungo sa kanyang ikatlong ginto sa torneong ito na inorganisa ng Philippine National Shooting Association.

Dinomina ni Padilla, general manager ng kanilang  family-owned company na gumagawa ng Spring Cooking Oil, ang 25-meter standard pistol event. Nagposte rin siya ng 546 para igupo sina Donalvo (545) at Tito Carpio (518).

Noong isang linggo, nasikwat ng anak ni dating Olympian Mariano ‘Tom’ Ong ang kanyang unang gold sa tourney ng manguna sa kanyang paboritong event--rapid fire pistol.

Nagtala siya ng 569 puntos upang itakas ang nasabing ginto mula kina Donalvo (533) at Reuben Hermoso (472).

Ang iba pang gold medallists ay sina Carolino Gonzales, 50-meter free pistol at 10-m air pistol; Rocky Pardilla at Francis Nicolle Medina men’s at women’s 50-m rifle prone, ayon sa pagkakasunod; Susan Aguado, women’s air pistol; Allan Azurin Jr., men’s air pistol; Monique Lim, Jr. women’s air pistol; Dennis Hernandez, 50-m rifle-3 position; Clarence Pukya, standard pistol, production class; Emerito Concepcion at Francine Lu, men’s at women’s 25-m air rifle, ayon sa pagkakasunod.

ALLAN AZURIN JR.

CAROLINO GONZALES

CLARENCE PUKYA

DENNIS HERNANDEZ

DONALVO

PADILLA

PISTOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with