Krusiyal na panalo asam ng JRU at Mapua

Kapwa puntirya nga-yon ang host Jose Rizal University at Mapua para sa krusiyal na tagumpay para sa puwesto sa Final Four sa magkakahiwalay nilang laban  sa pagbaba-lik aksiyon ng 83rd NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan.

Makikipagtipan ang Heavy Bombers sa defending champion San Beda College sa alas-2 ng hapon na agad susundan naman ng pagtatagpo ng Cardinals at ng College of St. Benilde sa alas-4 ng hapon.

Nakasiguro na ng semifinal ticket ang San Beda ay may 8-1 baraha habang ang Letran na-man ay may 7-2, isang panalo ang layo para pormal na makasulong sa susunod na round.

Kasalukuyang inooku-pahan ng Bombers ang solong ikatlong puwesto (6-3) at ang Cardinals na-man ay ikaapat (5-6) ka-sunod ang San Sebas-tian na nasa ikalima at may pag-asa pa sa Final Four berth.

Ang JRU ay nanaig na sa kanilang nakaraang limang laro, ang pinaka-mahaba para sa Manda-luyong-based team sapul nang magsimula ito na may 9 straight wins noong 2001.

Sisikapin din ng Bombers na makabangon sa kanilang unang kabiguan sa San Beda nang una silang magharap, 91-69. (MBalbuena)

Show comments