^

PSN Palaro

Hangga’t hindi kumpleto ang mga ka-ispar ni Pacquiao

-

Sa kabila ng pagdating ni Mexican lightweight David Rodela kamakala-wa, hindi pa rin magsi-simula ng kanyang ‘hard training’ si Filipino boxing hero Manny Pacquiao sa RWS Boxing Gym sa Cebu City. 

 Sinabi kahapon ni Rex “Wakee” Salud, may-ari ng RWS Boxing Gym at manager ni Pacquiao, na gusto muna ni American trainer Freddie Roach na makumpleto ang mga sparring mates ni “Pac-man”.

 “Probably, baka Friday pa mag-umpisa sila Freddie Roach and Man-ny  ng sparring kasi gusto ni Freddie na well-rested ‘yung mga Mexican sparring partners ni Manny,” ani Salud.

 Si Rodelo, nakabase sa Los Angeles, California, ang naging sparring mate ng 28-anyos na si Pac-quiao sa Wild Card Boxing Gym ni Roach sa Los Angeles.

 Tangan ni Rodela, may hawig sa istilo nina three-division champion Erik Morales at Marco Antonio Barrera, ang 7-1-2 win-loss-draw ring re-cord kasama ang 4 knockouts.

“It’s my great pleasure to help Manny in preparing for his fights,” wika ni Rodela, ginamit na sparring partner ni Roach kay Pacquiao sa tatlong laban nito kay Morales at kay Jorge Solis noong Abril 14.

Matapos si Rodela, nakatakda namang du-mating anumang araw ngayon sina light welterweights Jose Armando Santa Cruz (25-2, 14 KOs) at Urbano Antillon (19-0, 12 KOs).

 “Ganoon pa rin naman ang training regiment ni Manny. Konting shadow boxing, jogging, speed punching habang hinihintay ‘yung dalawa pang Mexican sparmates niya,” wika ni Salud kay Pacquiao, iginiya ang kanyang tropa sa 76-73 panalo kontra Cebu media sa isang basketball game kamakalawa.

 Sina Rodela, Santa Cruz at Antillon ang siyang susubok sa kakayahan ni Pacquiao para sa pagha-handa nito sa kanilang rematch ng 33-anyos na si Barrera sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Nevada.

Samantala, nais ni Golden Boy matchmaker Sampson Lewkowicz na isaayos ang blockbuster fight sa pagitan ni Pac-quiao at WBO interim lightweight champion Michael Katsidis na nasa mas mataas na timbang

 Sinabi ng dating manager ni Pacquiao na si Shelly Finkel na “A little too early for Manny to be thinking lightweight and Katsidis has to build his name first.”

“Let Manny beat Barrera then the winner of Marquez-Juarez then the winner of Soto-Guzman. After that, he can talk lightweight and see then where Katsidis is,” pagta-tapos ni Finkel na nag-sabing mananalo ang dating bata niyang si Pac-quiao sa kanyang re-match kay Barrera. (RCadayona)

BOXING GYM

CEBU CITY

DAVID RODELA

LOS ANGELES

PACQUIAO

RODELA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with