Pagbabalik ni FG sa sport ikinasiya ng mga atleta
“Nakita naman natin sa last Southeast Asian Games na malaki talaga ang naitulong ng efforts ng First Gentleman towards our victory in 2005,” wika ni Cojuangco sa pangu-nguna ng First Gentleman sa pledging session noong Enero ng 2005 para sa mga national athletes na sumabak sa 2005 Philippine Southeast Asian Games.
Bunga ng kanyang suporta at panghihikayat sa mga ‘Godfathers’ na naglatag ng halos P160 milyon, nakuha ng Team
“His participation again in this effort will be greatly appreciated by everybody in sports,” sabi ni Co-juangco, inaasahang magtutungo sa Malaca-ñang kasama ang ilang national athletes.
Sa kanyang pamu-munuang pledging session sa Palasyo bukas, tanging ang mga atleta lamang ng taekwondo, boxing, wushu, lawn tennis, weightlifting, shooting at fencing na sasabak sa 2008 Olympic Games sa Beijing, China ang haha-napan ng kani-kanilang ‘Godfather’.
Nauna nang itinakda ni Arroyo, sa pamamagitan ng kanyang FG Foundation, ang nasabing pled-ging session para sa mga Olympic-bound athletes noong Marso kundi la-mang siya nagkasakit at sumailalim sa operasyon.
Hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang gold medal ang mga Pinoy sa paglahok sa mga nakaraang Olympic Games maliban sa dala-wang silver medal nina light flyweight Mansueto “Onyok” Velasco, Jr. at featherweight Anthony Villanueva noong 1996 Atlanta at 1964 Tokyo Games, ayon sa pagka-kasunod. (RCadayona)
- Latest
- Trending