Marquez, may payo kay Pacquiao
Hindi ito karaniwan sa isang boksingero na magbigay ng payo sa isa niyang matinding karibal.
Pinayuhan kahapon ni World Boxing Council (WBC) super featherweight champion Juan Manuel Marquez si Filipino boxing hero Manny Pacquiao na seryosohin ang kanyang pagha-handa para sa rematch kay Mexican boxing great Marco Antonio Barrera.
“If Manny thinks this is going to be an easy fight against Marco, and he’s easing off his training, it could be a wrong step in his career,” sabi ng 33-anyos na si Marquez, inagaw sa 33-anyos ring si Barrera ang WBC super featherweight crown sa kanilang championship fight noong Marso 17 sa Las Vegas, Nevada.
Halos isang buwan nang nagsasanay si Barrera para sa kanilang rematch ng 28-anyos na si Pacquiao, nanalo sa kanilang unang banggaan noong Nobyembre ng 2003 sa Alamodome sa San Antonio, Texas via 11th round stoppage para sa “People’s Featherweight Championship”, na nakatakda sa Oktubre 6 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas.
Katulad ni Barrera, sinagupa na rin ni Pac-quiao si Marquez na nakaiskor ng kontrober-syal na draw sa kabila ng tatlong beses na pagbag-sak sa first round noong Mayo ng 2004 sa Las Vegas.
“Manny is a heavy hitter. He also boxes differently from all the other Filipino fighters, and his southpaw style is a difficult one,” ani Marquez kay Pacquiao. “For a fight against Manny, you have to prepare really well, because it’s always going to be very hard. But his power does tend to diminish after six or seven rounds.”
Bilang paghahanda kay Barrera, dumating na kahapon sa
Sa kanyang payo na-man sa kababayang si Barrera, para talunin si Pacquiao, sinabi ni Mar-quez na gamitin ng tina-guriang “The Baby-Faced Assassin” ang talino nito sa ibabaw ng boxing ring. “The strategy to defeat Manny is to box him, connect your punches with speed and power, not to get caught, and above all to use intelligence,” wika ni Marquez kay Barrera. (RCadayona)
- Latest
- Trending