Ipapagpatuloy lamang ng bagong Officer-In-Charge ng Philippine Basketball Association na si Sonny Barrios kung ano ang iniwan ng nagbitiw na commissioner na si Noli Eala. Mgsisimula si Barrios sa kanyang pagba-balik sa panunungkulan sa PBA at sinabi niyang wala siyang gagawing pagbabago kundi pupunan niya lamang ang trabahong iniwan ni Eala.
”I’m confident that I’ll do well with this job. I’m no stranger to thi,” wika ng 60-gulang na si Barrios.
Itinalaga kamakalawa ng PBA Board bilang OIC si Barrios, may malawak na kara-nasan sa PBA na 18 taon niyang pinaglingkuran kung saan naging OIC na rin siya nang magkasakit ang yu-maong dating PBA Commissioner Jun Bernardino noong 2000 bago nito tuluyang iniwan ang liga noong 2002 matapos matalo kay Eala sa pagka-commissioner
“I don’t think there will be dramatic change while I’m here. In fairness to Noli Eala, he left (the PBA) with everything in order. For me it’s just to implement things,” ani Barrios na maglilingkod lamang ng isang kumperensiya bilang OIC dahil wala sa kanyang planong maging commissioner ng liga.
Ayon kay Barrios, handa na ang lahat para sa training camp para sa mga rookie aspirants sa nalalapit na PBA Annual Rookie Draft na gaganapin sa Linggo sa Market Market sa Taguig na siyang una niya opisyal na aktibidad bilang OIC.
“Some of the events kumbaga luto na eh, like the training camp, the draft on Sunday which is ihahain na lang. So everything is in place, kung anon a lang siguro ang dapat kong role, ‘yung ang pinag-aaralan,” ani Barrios.
Ayon kay Barrios, hindi niya akalaing magbabalik pa siya sa PBA matapos itong magtayo ng negosyo sa Amerika na siyang pinagka-kaabalahan niya bago duma-ting ang tawag ng tungkulin sa PBA.
“Medyo na-overcome ko na ‘yung surprise. What I’m trying to do now is ano ang dapat kong gawin, ‘yung treatment ko sa trabaho. The things I should do to be responsive to the needs of this office,” sabi pa ni Barrios. (Mae Balbuena)