3rd gold isinubi ni Salarda
Patuloy na nagpapa-malas ng magagandang porma si Shaira Myron Salarda at daigin ang mga kababayang sina Kyla Delriz Sotto at Emee Marjorie Dy para masung-kit ang gintong medalya sa 6-7 female Freestyle 2, na kanya ring ikatlong ginto matapos ang dala-wang araw sa 2007Skate Asia sa SM Mall of Asia skating rink sa Pasay City kahapon.
Ang 7 taong gulang na si Salarda, Grade 2 pupil sa OB Montessori at isa sa mainstay ng SM Southmall skating rink, ay nanatili sa kanyang mahu-say na porma kasunod ang malalaking tagumpay sa 6-7 female Figure 1 at Solo Competition 2 sa panimula ng pitong araw na championship noong Linggo.
Si Salarda, ang nag- mamay-ari ng pinakama-raming bilang ng events na may 23 sa kababaihan, ay naka-bronze din sa 7-9 mixed interpretative na pinagharian ni Matthew Chan Kin Hang ng Hong Kong bagamat nabigo ito sa halos maningning na ipinamalas ni Wei Chi Chin ng City Plaza, Hong Kong 6-10 female Solo Spotlight.
Gayunpaman, pina-kamalakas na contender pa rin si Salarda para sa pa-ngu-nahing karangalan kung saan may 17 pang events itong lalahukan kontra sa pinakamahu-husay na skaters sa mundo na may basbas ng Ice Skating Institute of America at suportado ng SM Prime Holdings, Philippine Skating Union, Pepsi, Dept. of Tourism, Accel, Philippine Airlines, Shure Travel and Tours at Yehey.com.
Ang iba pang nag-ningning (10-12 female Interpretative), Wei Chin Chin (5-7 female Interpretative), Thesia Yomalita (8-9 mixed Interpretative), Krystelle Gotao (14-19 mixed Interpretative), Angelas Lin (7 female Solo Spotlight) Michael Christian Mar-tinez (8-11 mixed Interpretative), Ashleigh Nordstrom (8-11 mixed Interpretative), Wong Yu Ching (9-11 mixed Interpretative), Terra Traub (12-14 female Interpretative) at Jewel Trish de Guzman (10-13 female Interpretative).
Namayani din sina Eri Reyes, Samantha Lag-man, Nocilei Veronica Cuivas, Charlotte Mateo at Marisol Al Benilayo sa 12-13 female Interpretative, 8 female Freestyle 2, 12-13 female Freestyle 2, 14-16 Freestyle 2 at 8-22 Freestyle 2, ayon sa pagkakasunod na siyang tampok sa dominasyon ng SM Megamall.
- Latest
- Trending