^

PSN Palaro

La Salle vs UST

-

Magsisimula ngayon ang ikalawang round ng eliminations ng UAAP men’s basketball championships at tampok sa dalawang laro ngayon ay ang engkwentro ng De La Salle University at ng University of Santo Tomas.

Alas-4:00 ng hapon ang laban ng DLSU Green Archers at ng UST Tigers at inaasahang magiging mainit ang labanang ito tulad ng kanilang naunang pagkikita na umabot sa overtime.

Alas-4:00 ng hapon ang sagupaan ng La Salle at Santo Tomas pagkatapos ng sagupaan ng kulelat na University of the Philippines at ng National University sa alas-2:00.

Hangad ng Archers na ipagpatuloy ang kanilang dominasyon kontra sa Uste na hindi pa nanalo sa kanila sapul noong 1991.

Sa kanilang huling pagkikita sa unang round, nangibabaw ang Archers sa 90-86 panalo.

Hangad ng La Salle na maulit ang panalong ito upang maiangat ang 5-2 kartada para makalapit sa sinusundang leader na University of the East na naka-sweep ng unang round ng eliminations bunga ng malinis na 7-0 record.

Asam naman ng Tigers na makakalas sa three-way tie sa ikatlong puwesto sa 4-3 panalo-talo kung saan kasama nila ang Far Eastern University at Ateneo.

Muling sasandalan ng La Salle sina Rico Maierhofer, JV Casio, TY Tang at Cholo Villanueva ngunit naririyan sina Jervy Cruz at Khasim Mirza na siyang aasahan ng Uste para wakasan ang kanilang walong taong pagkauhaw sa panalo laban sa La Salle.

Si Mirza ang bayani sa huling 87-74 panalo ng Tigers sa unang round laban sa Ateneo De Manila University sa pagkamada ng 25-puntos.

Puntirya naman ng UP Maroons na makatikim ng panalo matapos mabokya sa pitong laro sa unang round kaya’t kinakailangang mag-ingat ang NU Bulldogs para di maisahan ng State U.  Ang Nationals ay may 3-4 karta.

Samantala, nasungkit ng Philippines ang kauna-unahang medalya sa 24th Universiade nang maka-bronze si taekwondo jin Criselda Roxas sa middleweight division sa Bangkok, Thailand.

Si Roxas ay estudiyante ng De La Salle University at silver medalist noong 2005 SEA Games

May 43 officials at athletes mula sa taekwondo, swimming at fencing mula sa UAAP member schools ang kinatawan ng bansa.  (Mae Balbuena)

vuukle comment

ANG NATIONALS

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CHOLO VILLANUEVA

CRISELDA ROXAS

DE LA SALLE UNIVERSITY

LA SALLE

UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with